GAWAD KOMISYON 2007

Mga Tuntunin:

 

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng manunulat, di kasali ang mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

 

2. Ang lahok ay kailangang orihinal, hindi salin mula sa ibang wika, hindi pa nanalo ng major prize sa ibang patimpalak at hindi pa nailalathala.

 

3. Ang mga lahok ay walang pagkakakilanlan kahit pangalan. May hiwalay na pormularyo na makukuha sa KWF o sa http:/wika.pbwiki.com para sa pangalan, address at iba pang impormasyon. Kinakailangang nakanotaryo ang nasabing pormularyo.

 

4. Ang paksa para sa sanaysay sa Filipino, Bikol, Meranao, Maguindano, at Tausug ay “Maraming wika, matatag na bansa” o anumang temang nakatuon sa dibersidad pangwika at pangkultura o pagkakakilanlang etniko. Maaari din itong maging pagsusuri sa mga akdang pampanitikan ng isang awtor sa kinabibilangan niyang wika.

 

5. Malaya ang paksa sa patimpalak sa tula at maikling kuwento. Ang paksa sa maikling kuwentong pambata sa Filipino ay nakatuon sa mambabasa na may labindalawang (12ng) taon pababa.

 

6. Haba. Para sa sanaysay, labinlima (15) hanggang tatlumpung (30ng) pahina. Para sa tula, isang koleksyon na binubuo ng pito (7) hanggang sampung (10ng) tula. Para sa maikling kuwento, sampu (10) hanggang dalawampung (20ng) pahina. Para sa maikling kuwentong pambata, hindi hihigit sa labindalawang (12ng) pahina. Ang mga lahok ay kailangang maging makinilyado o kompyuterisado (Font 12-Arial), dobleng espasyo sa 8 1/2 x 11 na bond paper at may palugit na isang (1ng) pulgada sa itaas, sa ibaba, at magkabilang tabi.

 

7. Kailangang maglakip ng apat (4) na hard copy at isang electronic file ang bawat lahok.

 

8. Isang lahok lamang sa bawat kategorya ang maaaring isumite ng isang indibidwal.

 

9. Para sa gantimpala sa bawat kategorya:

 

Unang Gantimpala -----------------------Php 15,000.00 + plake

Ikalawang Gantimpala -------------------10,000.00 + plake

Ikatlong Gantimpala --------------------8,000.00 + plake

Tatlong (3) Karangalang Banggit---------2,000.00 + sertipiko

 

 

Lahat ng lalahok sa patimpalak ay tatanggap ng KATUNAYAN NG PAGLAHOK sa araw ng pagsusumite ng lahok sa tanggapan.

 

10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipaghahabol. Lahat ng mga lahok na nanalo ay pag-aari ng KWF at karapatan nito ang pagpapalimbag na walang tatanggaping royalty ang may-akda.

 

11. Ipadala o personal na isumite ang lahok bago dumating ang ika-5:00 ng hapon sa Hulyo 27, 2007. Kung ipadadala sa email, isama bilang attachment (sa format na MS Word document) ang akda at ang sinagutan at nilagdaang pormularyo ng KWF.

 

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

G/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila

Tel. Blg. 7363832 /email add:gawad2007_kwf@yahoo.com

 

 


TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG COLLANTES 2007

 

 

Mga Tuntunin

 

1. ANG TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG COLLANTES ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod kapuwa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Jorge Collantes Foundation kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Ikalawa ng Abril taun-taon.

 

2. Nilalayon ng timpalak na (a) lalo pang pasiglahin ang panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at (b) pataasin pa ang uri ng panulaang Filipino.

 

3. Ang timpalak ay bukas sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at sa kanilang mga kaanak.

 

4. Ang kalahok na magwawagi ng limang (5) ulit bilang “Makata ng Taon” ay awtomatikong tatanghaling “Hall of Famer” at gagawaran ng pagkilala ng KWF sa isang natatanging okasyon para parangalan ng gayong pambihirang tagumpay na nakamit nito sa larangan ng sining sa pagsulat ng tula. Maaari pa rin siyang lumahok sa mga susunod na timpalak ng KWF kung nanaisin pa rin niya.

 

5. Ang mga lahok ay kailangang tumutugon sa mga sumusunod:

 

* Paksa : Malaya ang paksa

*Haba : Walang takda ang haba

* Sukat at Tugma : Maaaring ilahok ang mga tulang may sukat at tugma maaari rin ang may malayang taludturan.

 

* Bilang ng lahok : Maaaring magsumit ng kahit ilang tula sa Filipino ang bawat kalahok. Kung mahigit sa isang tula ang isasali kailangan gumamit ng isang “pen name” para sa mga ito. At kung sakaling higit sa isa sa kaniyang mga tula ang napasama sa anim na puwestong nakataya sa timpalak, ay iyon lamang kaniyang lahok na nakakuha ng pinakamataas na puwesto at/o puntos matapos ang deliberasyon ng mga hurado ang pinal na mapapabilang sa listahan ng mga nagwagi.

 

*Bilang ng pahina : Apat (4) na kopyang makinilyado, kumpyuterisado o sulat kamay na may dalawang espasyo sa bond paper na may sukat na 81/2” x 11”.

 

*Orihinalidad : Ang lahok at kailangang orihihal na akda ng kalahok, hindi sinipi lamang sa akda ng iba. Hindi patatawarin ang sino mang nahuling nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at di na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

 

*Iba pa : Ang mga lahok ay kailangang di pa nalalathala sa alinmang publikasyon at di pa rin naisasalin sa alinmang timpalak. Hindi rin tatanggapin ang mga akda na bagamat orihinal nga ng kalahok ay nirebisa lamang pala o recycled na bersyon ng isang luma at nalathalang tula. Hinahangad ng KWF na makakita ng mga pagbabago sa ating panulaan sa Filipino.

 

6. Ang lahok ay di dapat magtaglay ng pangalan ng kalahok o ano mang pagkakakilanlan sa kanya. Ang pangalan at tirahan ng kalahok at iba pang impormasyong personal ay kailangang isulat sa isang hiwalay na papel o sa pormularyo sa paglahok na makukuha nang libre sa KWF.

 

7. Ang mga lahok ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng E-mail address ng KWF budz108@gmail o lor13lyn@yahoo.com o kaya’y dalhin nang personal o ibadala sa koreo sa:

 

Lupon sa Tula 2007

Komisyon sa Wikang Filipino

G/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.

San Miguel, Manila

 

8. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Marso 15, 2007. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang di lalampas sa petsang nabanggit.

 

9. Ang mga gantimpala ay ang mga susunod: Una, P15,000.00 at karangalang maging “Makata ng Taon 2007”; Pangalawa, P10,000; Pangatlo, P8,000.00 at tropeo bawat isa; at P3,000.00 at plake para sa magwawagi ng tatlong karangalang-banggit. Tatanggap din ng mga magwawagi ng katibayang ng pagwawagi.

 

10. Angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwawaging lahok nang walang royalty sa mga makata.

 

11. Ang mga lahok, nanalo man o natalo, ay di ibabalik sa mga kalahok.

 

12. Ang pasya ng inampalan ay pangwakas at di maipaghahabok.

 

13. Makapagtatanong sa KWF, tel. 736-3832 o kaya ay mag-text sa 0921-2175154 at 0919-7326740.

 


Page Information

  • 1 year ago [history]
  • View page source
  • You're not logged in
  • Spam-like content was removed from this page.
  • No tags yet learn more

Wiki Information


Update to PBwiki 2.0

An entirely new PBwiki experience, including folders and easier editing.

Convert Now for Free | Learn more